Paghahandog sa Aba Yahawah
I
Ang alay ang daan, upang iKa’y aming parangalan
Narito Ang tupa, tinapay at alak mga handog na susunugin
Mabangong samyo sa iyo'y ipinapaabot namin.
II
Ang susunugin naming alay ay hindi panandalian,
Ito’y habambuhay, isang banal na tipan.
Sa bawat pagyuko, sa bawat pag tawag ng Iyong pangalan,
Kami iyong iligtas sa panahon Ng kapighatian
(Chorus)
Doon Ka namin makakatagpo, O Aba Haring Yahawah,
Sa apoy ng alay, doon ka bumababa, doon ka nagsasalita hindi sa lakas ng tinig,
Kundi sa katahimikan ng mga pusong mapagpakumbaba.
(Bridge)
Hindi handog, kundi puso ang iyong nais
Isang buhay na banal, na sa iyo'y mananatili
(Outro)
Aming Dakilang Hari, Aba Yahawah
Habang ako'y nabubuhay—
Tahimik, tapat, at Iyo magpakailanman.
▶ Play
Comments (2)
Login to comment.
saaaaan ang lyrics?
Yadah