BAYBAYIN ᜊᜌᜊᜌᜁᜈ - AG Malaya, Juanway x Juandirigma
maglakbay baybayin ang kahapon
may daan para matagos ang alon
lumubog sumisid at umahon
sa tunog ng taga ilog nakabangon
maglakbay baybayin ang kahapon
may daan para matagos ang alon
lumubog sumisid at umahon
sa tunog ng taga ilog nakabangon
- - - - -
Mala YAH kasi nagmula kay YAH
sa lupain ng Ma-Yi ginawa
bitbit ang MALAY ng MAYLIKHA
ang kamalayan na laman ng WIKA
talino ng ninuno inukit sa simbolo
gumawa ng paraan para mundo mabuo
kada letra nakapagpatotoo
surat buhid, tagbañwa, hanunuo
ang daanan na matagal ng hinahanap
papunta sa nakaraan ang hinaharap
at di na uulitin ang maling naganap
para ang tunay na kalayaan malasap
tulay at hindi pader ang baybayin
kaya sariling panunurat dapat alamin
ipasa sa kabataan ang gagawin
tayo ang lahing pinagpala ng malalim
- - - - -
maglakbay baybayin ang kahapon
may daan para matagos ang alon
lumubog sumisid at umahon
sa tunog ng taga ilog nakabangon
maglakbay baybayin ang kahapon
may daan para matagos ang alon
lumubog sumisid at umahon
sa tunog ng taga ilog nakabangon
- - - - -
hindi ka tatagos sa hinaharap kung di ka lilingon
sa pinang galingan mo sa dakong paroon
baybayin ang pinagmulan ng matutunan
para lumawak ang iyong kaalaman
kapangyarihan ng nakaraan pasok sa ngayon
kayamanan pinamana nagmula sa noon
hindi to bagong tuklas pero nag uumalpas
sa antas ng kaisipan ito ay lampas
Kahit sisirin mo pa ang pitong karagatan
ito ang lalim na hindi mo mahihigitan
babangon ang kahapon hindi mo mapipigilan
sasabay sa alon at aabot hanggang sukdulan
tangan tangan ang tunog ng bawat salin lahi
taglay ang paninindigan ng mga bagani
sa lupain ng Maharlika tara maglakbay
buksan mo ang iyong diwa simulant mag baybay
- - - - -
maglakbay baybayin ang kahapon
may daan para matagos ang alon
lumubog sumisid at umahon
sa tunog ng taga ilog nakabangon
maglakbay baybayin ang kahapon
may daan para matagos ang alon
lumubog sumisid at umahon
sa tunog ng taga ilog nakabangon
Comments (1)
Login to comment.
YADAH, Halalwayah Alahayah